Saturday , November 16 2024

Bebot, 10-anyos dalagita tiklo sa 1 kg shabu

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang isang kilo ng shabu mula sa isang 23-anyos babae at isang 10-anyos dalagitang lulan ng SUV sa checkpoint sa Saguiran, Lanao del Sur nitong Biyernes ng gabi.

Ayon kay Col. Joselito Pastrana, commander ng 65th Infantry Battalion, minamaneho ni Raihana Disalo ang Hyundai Tucson nang parahin ng mga awtoridad sa isang checkpoint sa Brgy. Pawak dakong 6:30 pm.

Sinabi ni Pastrada, nakita ng mga operatiba na inuupuan ni Disalo at isang dalagita ang plastic bags.

Nang inspeksiyonin, nakitang ang plastic bags ay naglalaman ng isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P10 milyon.

Ayon kay Marlon Santos, operations officer ng Philippine Drug Enforcement Agency-ARMM, ang droga ay unang malaking bulto ng shabu na nakompiska sa Marawi City at Lanao del Sur.

Si Disalo at ang dalagita ay dinala na sa Cotabato City para imbestigahan.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *