NAPANOOD natin sa isang video sharing, kung paano ipinakilala ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte si dating Senador Bongbong Marcos sa kanyang pagbisita sa China.
Ipinakilala ni Pangulong Digong si BBM, bilang vice president.
Sabi tuloy ng isang nakapanood, kompirmado, si Bongbong ang bise presidente ni Duterte.
Ano kaya ang masasabi rito ni Senator Alan Peter Cayetano?!
Hindi naman kaya, naaaninaw talaga ng Pangulo na malaki ang tsansa na manaig ang protesta ni BBM sa sinabing ‘panalo’ ng nakaupong VP na si Madam Leni Robredo?!
Kung tutuusin, talagang si Pangulong Digong lang ang presidential candidate na maraming bise presidente.

Una na nga ang kanyang sariling VP na si Sen. Alan. Ang VP ng yumaong si Senator Miriam Santiago na si BBM. Maging ang VP ni Sen. Grace Poe ay may mga lugar na si Pangulong Duterte ang ipinapares sa kanya. Ang VP ni dating VP Jejomar Binay na si Gringo Honasan.
Kaya masasabi nating kakaiba talaga ang karisma ni PRRD noong nagdaang kampanyahan.
Kaya hindi na rin siguro nakapagtataka nang ipakilala ni Digong si BBM na bise presidente.
Anyway, hanggang ngayon, umaasa ang marami nating kababayan na mayroong positibong epekto ang nakasalang na protesta ni BBM.
Mukhang umaasa si Pangulong Digong na hindi maglalaon, magkakaroon na siya ng katuwang sa pagpapatakbo ng gobyerno sa kaparehong direksiyon.
Let’s keep our fingers crossed.
AGAW-EKSENA AT AGAW
KREDITO NA NAMAN

HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com