Wednesday , December 25 2024

Laban kontra droga sa Maynila, bow!

MAHIGPIT ang tagubilin ni CPNP Director General Ronaldo “Bato” Dela Rosa sa mga pulis na paigtingin ang laban kontra droga sa pamamagitan ng Oplan Double Barel at Oplan Tokhang alinsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na isa sa prayoridad ng kanyang administrasyon.

Dahil dito, malalim ang ginagawang paghuhukay ng pulisya upang makakalap ng intel o impormasyon upang matukoy ang may kinalaman sa kalakaran ng ilegal na droga.

Marami na nga ang natigok at natodas sa mga drug raid sa iba’t ibang panig ng bansa.

Hindi matatawaran ang kapansin-pansin na pagbabago ngayon kung anti-drug campaign ang pag-uusapan, lalo sa lungsod ni Manila Mayor Erap ‘plunder’ Estrada.

Mahigit anim na taon rin kasi na naging relax at sadyang lumaganap anila ang ilegal na droga sa anim na distrito ng Maynila.

Sabi nga ng ilang katropa nating pulis sa Maynila, kung hindi pa raw naging pangulo si Pres. Duterte ay malamang nalubog na ang lungsod sa droga.

Dahil ngayon lamang, nagkaroon ng pangil ang awtoridad na magtrabaho kontra droga at lansagin ang mga personalidad na may kinalaman sa bentahan nito!

‘Yun nga lang, tila shoot-to-kill o dead or alive ang estilo, kumbaga bawas tao?!

Marami na rin ang nabawas sa mga sinasabi nilang mga tulak pero karamihan ay tila nasa depressed areas lang.

Hindi ba kayo nagtataka kung bakit ngayon lang masipag gumalaw ang mga pulis lalo na sa Maynila?

Totoo kaya ang sabi-sabi nila noong mga nagdaang taon na tila bawal raw kasi manghuli basta na lamang kapag droga ang pag-uusapan?!

Kaya siguro tila naging sentro ng kalakaran ng ‘bato’ ang lungsod?

Tunay na malaki talaga ang pagbabago ngayong administrasyon nina PDuterte at CPNP DG Bato Dela Rosa kontra DROGA!

Hindi rin nagkamali si CPNP Gen. Bato sa pagpili ng kanyang piniling mga district at regional director na gaya nina NCRPO RD Gen. Abayalde at MPD Director soon to be General Joel Coronel na tunay ang serbisyo publiko para sa peace & order sa Maynila.

Mahigpit rin ang direktiba ni Gen. Coronel na itigil ang pangongotong at pagbabangketa sa mga sangkot sa ilegal na droga.

***

Kaliwa’t kanan pa rin ang anti-drug operation ng Manila police stations.

Nangunguna pa rin si MPD PS1 Supt. REDENTOR ULSANO sa malaking bilang ng mga napatay na drug pushers.

Sinundan ito ng MPD PS11 sa pamumuno ni Supt. Amante Daro dahil sa kanilang magigiting na INTEL at SAID unit.

***

Mukhang matumal ang huli sa Sampaloc area. ‘E hindi naman magpapahuli ang Sampaloc kung kalakaran at bentahan ng droga ang pag-uusapan dahil sabi nga ng ilang pulis, dito raw nagtatakbohan ang mga tulak galing sa Tondo?!

Ano kaya ang ginagawa ng mga ka-tropa nating pulis-quatro?!

Baka masyadong malayo ang tingin ninyo mga Sir?

Pakisudsod nga ang LORETO St., dahil isa raw ‘yan sa mga lugar na talamak ang shabu at marijuana.

May info nga tayong natanggap na isang alyas Bong Mata na drug pusher ay nagyayabang na bata raw siya ng ilang pulis sa Station 4?!

***

Ang MPD PS2 at PS7 naman ay masigasig pa rin kontra droga. Marami na ang listahan sa kanilang Oplan Tokhang surrenderees.

Regular ang monitoring at mayroon pang spiritual at moral recovery program si MPD PS7 Supt. Alex Daniel.

Kamakailan ay nag-operate ang mga tauhan ni Supt. Daniel sa Almeda St., na DOS o dead-on-the-spot ang isang notoryus na tulak at arestado ang mga kasapakat na ikinatuwa ng mga residente sa naturang lugar.

***

Tinatrabaho na rin ng MPD HQ ang mga pusher sa BASECO at Quiapo.

Tama ba Boss Sornaksky?!

OUR DEEPEST CONDOLENCES

TAOS-PUSO po tayong nakikiramay sa pamilya at naulila ni Mr. Jimmy Yap, kapatid ni former National Press Club President at Alab ng Mamamahayag (ALAM) national chairman Jerry Yap na siyang aming boss at publisher ng HATAW at DIYARYO PINOY.

Our deepest sympathy po Sir.

***

MALIGAYANG pagbati sa pangalawang anibersaryo ng Diyaryo Pinoy na isa sa mga nangungunang libreng pahayagan sa mga LRT/MRT stations ni boss Jerry Yap. More Power!

YANIG

ni Bong Ramos

About Bong Ramos

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *