Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Goodbye Uncle Sam welcome Kung Fu Panda

TULUYAN nang pinatid ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang relasyon ng Filipinas sa Estados Unidos.

Inihayag niya ito sa Filipino Community sa Beijing.

Siyempre, marami ang nagulat at nalito.

Mismo ang kanyang Gabinete ay nagulat at nabigla sa pahayag ng Pangulo.

Ayon sa ilang opisyal na narito sa bansa, hindi pa opisyal ang pahayag ng Pangulo dahil hindi pa ito pormal na nakadokumento.

Binanggit pa ng Pangulo ang tila pangangayupapa natin sa US Embassy makakuha lang ng visa para makatungo sa Amerika pero kapag sila ang pumapasok sa Filipinas ay wala silang visa.

Oo nga naman!

102216-duterte-china-usa

Pero kapag pormal na ba ang alyansa natin sa China ay wala na rin visa ang pagpunta sa kanila?!

Hello Kung Fu Panda!

Sa totoo lang isang magandang hakbang ito para mapalakas natin nang husto ang pakikipag-ugnayan sa buong Asya.

At alam natin lahat na ang China ay isa sa itinuturing na malaki, maunlad at makapangyarihang  bansa sa China.

Marami ang nagsasabi na makabubuti sa atin bilang nagsasariling bansa ang pagkalas sa US na kahit kailan ay hindi natin nakitaan at naranasan ang malaking pabor para sa ating bansa.

Panahon na nga siguro para kumawala tayo sa anino ni Uncle Sam.

Let’s give our country a chance!

ANTIPOLO POLICE
NAINSEKYUR BA
KAY OLAN BOLA?

102216-olan-bola-purugganan

PINOSASAN, ikinulong at sinampahan ng kasong obstruction of justice ng isang pulis-Antipolo si GMA-7/DZBB news reporter Olan Bola.

Dahil daw ‘yan sa pag-i-interview ni Bola sa isang guwardiya na saksi sa nangyaring hit and run.

Actually, iniimbestigahan ng pulis na si PO3 Stephen Purugganan, ang security guard, nang interbyuhin ni Bola.

Ang layunin ng news reporter, agad maipagbigay-alam sa publiko ang nasabing insidente kasi nga tumakas ‘yung nakasagasa.

Pero mukhang hindi nagkaintindihan si Olan at ang pulis na si Stephen kaya inaresto at ikinulong ang una.

Ang hindi natin maintindihan dito, nagkausap naman pala sina Olan Bola at ang pulis na si PO3 Purugganan at humingi umano ng paumanhin ang news reporter pero mukhang hindi tumagos sa isip at damdamin ng pulis.

Kapwa naman natin naiintindihan ang magkabilang panig. Pareho silang nangunyapit sa kasabihang, “Trabaho lang, walang personalan.”

Nagkasagasaan nga lang habang pareho silang gumaganap ng kanilang tungkulin.

Ang huling balita natin ay naospital pa si Olan Bola dahil tumaas ang kanyang presyon.

‘Yan talaga ang ilan sa mga hindi naiiwasang pangyayari lalo kapag nasa gitna tayo ng pagganap ng ating trabaho at tungkulin sa mamamayan.

Kung tutuusin hindi naman dapat nag-over react si PO3 Purugganan, lalo na kung nag-uusap naman sila nila ni Bola.

Mantakin ninyong pinosasan at ikinulong ang reporter na nag-uulat sa publiko, hindi ba maliwanag na paglabag ‘yan sa kalayaan sa pamamahayag?!

Sa ganang atin, mayroong tungkulin si Bola na sampahan din ng reklamo si Purugganan, dahil maliwanag  din na paglabag sa karapatan ng reporter ang ginawa ng pulis.

Mukhang sa korte magwawakas ang usaping ito para patunayan ng isa’t isa kung sino ang may katuwiran…

Go Bola, go!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *