BEIJING, China – Umaabot na sa mahigit $20 bilyon ang halaga ng mga kontrata o investment contracts ang nalikom ng delegasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State Visit sa China.
Ito ang kinompirma ni Trade Secretary Ramon Lopez.
Habang sinabi ni Francis Chua, presidente ng Philippine Chamber of Commerce and Industries (PCCI), may inihahabol pang kontrata mula sa ilang Chinese investors.
Ayon kay Chua, kasama sa business delegation ni Pangulong Duterte, kabilang dito ay ilalaan sa mining, impraestruktura at power and energy sector.
Inihayag ni Chua, may kasamahan sila sa PCCI na nakakorner ng $3 bilyon kontrata para sa pagtatayo ng coal-powered plant sa bansa.
At $3 bilyon ang inialok ng Bank of China na loan facility para sa malalaki at maliliit na negosyante sa bansa at handang dagdagan kung kukulangin.