Saturday , November 16 2024

De Lima nakarma — Digong

GAYA ng kasabihan na huwag mong gawin sa kapwa ang ayaw mong gawin sa iyo, tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na mararanasan ni Sen. Leila de Lima ang ginawa niyang pagpapakulong kay dating Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo.

Sa press briefing sa Beijing, China, sinabi ni Pangulong Duterte na walang lusot si De Lima sa matitibay na ebidensiya at mismong mga opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nagpatunay sa pagkadawit ng senadora sa illegal drugs trade sa New Bilibid Prisons (NBP).

“You think those officials who testified against her are lying? These so many NBI agents and all? (cut to) if that, those connections are true, she will rot in jail. She will rot in jail. It’s no bail,” ayon sa Pangulo.

Hindi lang aniya hinikayat ni De Lima ang illegal drugs trade sa NBP kundi, ang senadora ang mismong principal dahil sa direktang partisipasyon.

“The moment the indictments are charged in court, there is no bail. And she could be what Gloria Arroyo suffered. So, iyon, comeuppance, “ aniya.

Ginagamit aniya ni De Lima ang isyu nang pagiging babae upang mailihis ang atensiyon ng publiko sa partisipasyon sa illegal drugs trade at pagiging narco-politician.

“She is talking as if she is raising the view of womanhood to take away the heat more than just being afraid of being put into disrepute is the fact, if those connections are true, she will rot in jail. It’s no bail,” pahayag pa ng Pangulo. ( ROSE NOVENARIO )

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *