BEIJING, China – Nilinaw ni Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay, walang pag-uusapang isyung pangdepensa o military alliance sa pagitan ng Filipinas at China sa State Visit ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa panayam ng Philippine media delegation sa Beijing, sinabi ni Sec. Yasay, sesentro lamang sa trade and economic issues ang agenda ng State Visit ni Pangulong Duterte.
Ayon kay Yasay, sasamantalahin ng Pangulong Duterte na buksan ang pintuan ng Filipinas sa maraming business opportunities mula sa Chinese investors.
Nilinaw din ni Yasay, wala pang napag-uusapan kaugnay sa lumabas na report na payag o bukas ang Chinese government na payagang makapangisda ang mga Filipino fishermen sa Scarborough o Panatag Shoal ngunit may kondisyon.
“We are not expecting any alliances in terms of anything that others may have suggested, no we’re just treating our friends in an equal manner in carrying out an independent for foreign policy,” ani Sec. Yasay.