PATAY ang dalawang hinihinalang tulak na nauna nang sumuko sa Oplan Tokhang ng Quezon City Police District (QCPD), makaraan pagbabarilin sa magkahiwalay na lugar sa nasabing lungsod.
Sa ulat ng QCPD Batasan Police Station 6, dakong10 pm nang pagbabarilin ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo si Jobert Lozada, habang naglalakad sa Molave St., Brgy. Payatas
Habang si Igmidio Fernandez, 44, barker, naglalakad dakong 4:30 am sa IBP Road, Brgy. Batasan Hills nang pagbabarili ng dalawang hindi nakilalang mga suspek.
( ALMAR DANGUILAN )