Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

VIP treatment ala-NBP sa Bureau of Immigration warden’s Bicutan facility?! (Attn: SoJ Vitaliano Aguirre)

AKALAIN n’yo nga naman n?!

Habang ang lahat ay nakatutok sa malaking issue tungkol sa droga, pitsaan, VIP kubol treatment at tarahan sa National Bilibid Prison (NBP) ay may isang lugar diyan sa Bicutan na inia-apply din pala ang ganitong sistema.

Putok na raw ang alingasngas tungkol sa isang VIP KUBOL diyan sa loob mismo ng Bureau of Immigration (BI)-Warden’s Bicutan Facility sa nangyayaring proteksiyon sa isang nakakulong na Bulgarian national.

Aba, style-Colangco at Sebastian pala ‘yan ha?!

VIP treatment daw ang ibinibigay sa nasabing detainee na kontodo air-conditioned room pa ang loko!

091516-immigration-prison

Hindi lang ‘yan. Meron din siyang cellphone, laptop at iba pang mga pribilehiyo na alam nating ipinagbawal noong panahon pa ni Comm. David Dayunyor!

Malaya rin nakagagamit ng cellphone (if the price is right) ang ibang mga dayuhan na nakakulong doon.

Sonabagan!!!

Pero bakit ganoon na lang kaluwag sa Bulgarian ang mga bantay sa BI Warden’s Facility?

May nagsabi na bawal daw pakialaman ang nasabing dayuhan dahil may isang alias Butatamante raw ang padrino ng nasabing Bulgarian?!

Wattafak!

Magkano ‘este anong meron sa nasabing preso at ganoon na lang katindi ang ibinibigay na proteksiyon at pribilehiyo sa kanya?!

Sino ba ang sinasabing alias Butatamante na ‘yan!?

Organic Immigration personnel ba siya o isang C/A lang?

Bakit tila wala yatang magawa ang warden doon na si Intelligence Officer Erwin Ortañez?

Masyado bang maasim si alias Butatamante sa mga bossing sa Immigration?

I‘m sure hindi magugustuhan ni DOJ Secretary Vitaliano Aguirre kapag nalaman niya na sa mismong bakuran niya ay may nagaganap na protection racket!

CALOOCAN CITY MOST
BUSINESS FRIENDLY LGU

081216 caloocan malapitan

Kahit sino ay hindi magkakaroon ng dahilan para pasubalian ang katangiang ito ng Caloocan City.

Bagamat hindi pa sila ang nagwawagi, naniniwala tayo na mabibilang sila sa unang tatlong lungsod na business friendly.

Kahit sino ang makausap natin sa hanay ng ilang mga kaibigang negosyante, iisa lang ang masasabi nila — napakagaling umalalay ng Caloocan sa mga negosyante.

Lalo na kung nagsisimula pa lamang ang isang entrepreneur.

Mula sa Business Permit and Licensing Office (BPLO) makikita ang mga Caloocan city hall employees na walang reklamo, mapitagan at laging nakangiti sa kanilang pag-aasikaso sa mga aplikante.

Kaya magtataka pa ba kayo kung maraming nahihikayat si Mayor Oca Malapitan na mag-invest sa kanilang lungsod?!

Katunayan, hindi bababa sa 2,000 ang mga bagong negosyanteng nakatala sa Caloocan BPLO.

Kung nais talagang umunlad ng isang bayan o lungsod, ang unang dapat gawin, ay alalayan ang mga makatutulong na iangat ang ekonomiya ng lungsod.

At ‘yan ang ginagawa ni Mayor Oca.

At habang nakikita ng mga investor na nakatutulong sila para palakasin naman ang purchasing power ng mga mamamayan ng Caloocan, lalo naman silang natutuwang mag-invest.

Ibig sabihin, ang mga negosyante na nagbibigay ng trabaho ay tinatangkilik din ng mga nabibiyaan bilang consumer.

Kung mayroong maayos na producer-supplier-consumer relationship sa isang bayan o lungsod, tiyak ang pag-unlad ng ekonomiya.

Isa nga riyan ang Caloocan…

Kudos, Mayor Oca Malapitan!

PAGLILINAW SA ISSUE NG STA. ANA
MARKET STALLHOLDERS

Sir:

Magbigay lang po ako ng reaksiyon at suhestiyon hinggil po sa isang reklamo na inilathala sa inyong kolum na may pinamagatang RAKET SA STA ANA MARKET noong Oktubre 16, 2016. Ako po ay isang stall holder ng nasabing palengke.

Ang Sta Ana Market po ay sumailalim sa rehabilitation program ni Mayor Erap noong Setyembre 2015 sa pamamagitan ng Public Private Partnership. Sa ngaun po ang ibang stallholders ay nakapasok na sa bagong palengke at ang iba naman po ay nananatili pang nasa relocation site sa kadahilang hindi pa tapos ang pagpapatayo ng bagong palengke. Totoo po na karamihan sa amin ay wala pang pwesto na naibigay ngunit kasalukuyan pa pong gumagawa ng karagdagang pwesto at nangako naman po sila na mabibigyan ang lahat na dating stall holders. Pinabubulaanan ko po ang sinabi nung nagreklamo na me mga nabigyan ng pwesto na hindi lehitimong manininda at nagkakabilihan po ng pwesto at lalong-lalo na po na tumanggap ng pera ang asosasyon hinggil dyan. Unang-una po wala pong kapangyarihan ang asosasyon na magbigay ng pwesto dahil asosasyon lang po kami.

Sa katunayan po marami pa rin opisyales namin ang hindi nabibigyan ng pwesto sa bagong palengke. Ang Market Administration Office lang po ang may kapangyarihan na mag-assign sa amin kung saan kami ilalagay.

Nagtataka lang po ako doon sa nagreklamo kung bakit ang asosasyon namin ang inirereklamo niya?

Suhestiyon ko lang po sa inyo na sana bago kayo maglathala ng reklamo ay nagsasagawa muna kayo ng kahit na kaunting imbestigasyon dahil sa tingin ko nagagamit ang inyong kolum ng ibang me masamang layunin. Ang manira ng kapwa upang ipahayag ang kanyang bitterness.

Maaaring ang taong ‘yan ay natalo lamang sa nakaraang eleksiyon ng aming asosasyon at hindi nya matanggap ang kanyang pagkatalo.

Marami pong salamat.
[email protected]

MAYNILAD MAKUPAD
ANG TRABAHO SA SUCAT

073016 maynilad repair traffic

Sir, wala bang action sa makupad na Maynilad dito sa Sucat Road, Parañaque?

+639189290 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *