Thursday , May 9 2024

2 patay, 1 kritikal sa ambush

PATAY ang dalawang lalaking hinihinalang sangkot sa droga habang kritikal ang kalagayan ng isa pa makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek sa mga lungsod ng Las Piñas at Makati.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, pinagbabaril hanggang sa mapatay ang biktimang hindi pa nakikilala sa Vatican St.,  BFRV, Talon Dos, Las Piñas City dakong 2:40 am.

Samantala, si Arnold Omandac, 33, isang construction worker, ng Masville Brgy. BF Homes, ay nasa kritikal na kondisyon sa Las Piñas District Hospital makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek sa nabanggit na lungsod dakong 10:45 pm.

Sa lungsod ng Makati, inaalam pa ng Makati City Police ang pagkakilanlan ng biktimang namatay makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek dakong 1:45 am sa Gov. Noble St., at Anastacio St., Brgy. Guadalupe Nuevo ng naturang lungsod.

( JAJA GARCIA )

About Jaja Garcia

Check Also

International AIDS Candlelight Memorial ginunita ng Bulacan

International AIDS Candlelight Memorial ginunita ng Bulacan

GINUNITA ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan ang International AIDS Candlelight Memorial kahapon sa The Pavilion …

Ferdinand Estrella Baliwag Bulacan

Lungsod ng Baliwag, top performing LGU sa Bulacan

IPINAPAKITA ang kanyang hindi natitinag na pangako sa pag-unlad at kahusayan, ang Lungsod ng Baliwag …

Sa San Jose del Monte at sa DRT 2 TIRADOR NG MOTORSIKLO SUGATAN SA ENKUWENTRO, SIGANG DE BOGA ARESTADO

Sa San Jose del Monte at sa DRT
2 TIRADOR NG MOTORSIKLO SUGATAN SA ENKUWENTRO, SIGANG DE BOGA ARESTADO

DALAWANG suspek ang sugatan sa armadong enkuwentro sa City of San Jose Del Monte, at …

Bato dela Rosa Jonathan Morales Maricel Soriano

Maricel dumalo sa Senate hearing ukol sa ‘PDEA leak’

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UMAPIR na sa Senado si Maricel Soriano kahapon, Martes, May 7, sa Senate …

050824 Hataw Frontpage

Sa dagdag na presyo sa singil ng koryente  
SOLON PINIGILAN AKSIYON NG ERC SA POWER DEAL

HINIMOK ng vice chairman ng House committee on energy ang Energy Regulatory Commission (ERC) na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *