MARAMI sa mga Police Community Precinct (PCP) sa AOR ni MPD Director S/Supt Joel Coronel ang aktibo sa kanilang anti-Crime at Drug campaign.
May ilang MPD detachment ay nakitaan ng extra-effort na kaayusan sa kanilang nasasakupan gaya ng Plaza Miranda PCP ni C/Insp John Guiagui at Blumentritt PCP ni Major Marlon “triple M” Mallorca.
Marami ang nakapuna sa dedikasyon sa trabaho ng dalawang PCP sa ilalim ni MPD PS3 station commander Supt. Santiago Pascual.
Marami ang natutuwa ngayon sa napakaluwag na kalsada sa Blumentritt dahil nawala na sa mga kalsada ang mga pasaway na vendor.
Masayang dumaraan, both sides ng kalsada ang mga motorista. Malaki ang nabawas na petty crimes gaya ng snatching.
Todo-trabaho ang ang dalawang PCP nina Major Guiagui at Major Mallorca na very deserving sa best detachment of the year ng MPD.
Hindi ko na nga mabilang kung ilan award na ang nakuha ni Major Guiagui.
PROTEKTADO BA
ANG MGA ‘ILLEGAL’
SA BRGY. 104?!
‘Yan ang malaking tanong ng mga residente sa Brgy. 104 Zone 8 sa unang distrito ng Tondo, Maynila.
Ratsada kasi ang KOLEK-TONG nina alyas Jess at Rayan Tanod sa mga jumper na sila pa mismo ang naglalagay ng illegal connection ng koryente.
Ipinamamalita ng dalawang tarantado na ‘bata’ raw sila ng isang barangay official!
Talamak rin ang latag ng mga makina ng video karera sa Barangay 104!
Malaki siguro ang naitutulong ng VK operators sa mga gastusin sa barangay ni Tserman TS?!
Ganu’n po ba ‘yun Chairman?
Lantaran ang BOOKIES ng kabayo at STL diyan sa Brgy. 104.
Kalat pa rin ang mga drug user at guerrilla style na bentahan ng droga?!
Totoo po ba ‘yan TSERMAN?!
Nagbigay na po ba kayo ng mga listahan ng drug personalities sa inyong barangay, sir?
Sa illegal connection lang sa tubig at koryente ay boundary na ang mga nagpapakilalang bata-batuta ni barangay official!
Ipinagyayabang nila na kaya madalang mag-inspection ang MERALCO ay dahil may kasangga raw sila sa loob.
SILG Mike Sueno, pakibusisi nga ho ninyo ang barangay na ‘yan!
ISANG SIKSIK LIGLIG AT NAGUUMAPAW
NA PAGBATI SA IKA-13 ANIBERSARYO NG HATAW!!!
Advance happy 13th anniversary to Hataw D’yaryo ng Bayan under JSY Publishing on October 18, 2016.
Congratulations as well to Boss Jerry Yap, the low-profile publisher/editor-in-chief for his continues support and unconditional concern given to his colleagues and others in all walks of life through the year.
Muli po ang aming taos-pusong pasasalamat sa lahat-lahat.
More power at Mabuhay!
YANIG – Bong Ramos