Thursday , December 19 2024
PANGIL ni Tracy Cabrera

First 100 days ni Pangulong Digong

Whoever fights monsters should see to it that in the process he does not become a monster. And if you gaze long enough into an abyss, the abyss will gaze back into you. ¯ Friedrich Nietzsche

PASAKALYE: NAIS ko lang pong batiin ang mga opisyal ng Barangay 33 Zone 3 sa Maypajo, Caloocan City. Sobrang public service ang ipinapakita nila kaya hanggang ngayon ay nangayaw na po kaming pumunta sa kanilang tanggapan dahil tiyak na mapapahiya lang kami kung hihingi ng tulong mula sa mga tulad ni MARISSA at kagawad Jackstone Li. Balita namin ay alaga sila ng isang Aleng Gemma, na kanilang inuutangan at lumilitaw na mas tunay na chairman kay Chairman Balentong.

***

MAKALIPAS ang 100 araw ay pinuri ni dating Manila mayor Alfredo Lim si Pangulong Duterte sa kanyang kampanya laban sa ilegal na droga at kriminalidad dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nagtatagumpay na ang pamahalaan sa kampanya laban sa salot sa ating lipunan.

Ang tanong: Bakit kaya hindi nagawa ito ng mga nakaraang administrasyon? Sa panahon ni Cory ay mukhang lalong lumaganap ang droga dahil ang naging priyoridad ng biyuda ni Ninoy ay paghihiganti at habulin ang mga Marcos sa sinasabi nilang ninakaw na yaman. Nang dumating si FVR ay puro biyahe sa ibang bansa ang inatupag at pagbebenta ng pag-aari ng gobyerno. Nasundan ito ni Erap na ang naging pangunahing adhikain ay palawigin ang operasyon ng sugalan sa kapuluan, na naging dahilan para mapalayas sa Palasyo at humalili sa kanya si GMA, na naging abala sa pag-aaruga sa kanyang esposong si Big Mike!

Lalo pang minalas ang Filipinas nang maupo si P-NOY dahil hindi lamang droga ang lumaganap kundi maging ang kapangyarihan ‘Kamag-anak at Kaibigan Inc.’

Ngayong may Pangulo tayong may political will sa kanyang mga adhikain ay binabatikos siya sa kabila na may pruweba siyang nais niyang magkaroon ng (magandang) pagbabago.

Sobrang ingay ng Pangulo

IYAN ang binitiwang pahayag ni Senador DICK GORDON. Aniya magkaibigan sila ni Pangulong RODRIGO DUTERTE pero mas mainam na ipaubaya na umano sa awtoridad ang pagdakip sa mga sangkot sa ilegal na droga. Dagdag niya, nadadapa siya sa kanyang sariling espada dahil sa maingay na pagbabanta sa mga may kinalaman sa droga bagay na nagiging dahilan ng pagsilip ng European Union (EU) sa nagaganap na extrajudicial killings.

May punto si Senador Gordon, dumadalas na ang paghingi ng tawad ng pangulo sa mga nabibitawan niyang salita dala ng emosyon sa mga bumabatikos sa kanya. Maging sa media mapa-lokal o internasyonal. Siya pa rin ang kumakatawan sa buong bansa at anuman ang imahe niya sa mga salitang kanyang binibitiwan ay nagiging repleksiyon sa ating mamamayan at sa ating bansa. — Jersan Arguelles ng Mindoro ([email protected], Oktubre 5, 2016)

DE LIMA, Walkout Queen

PUWEDE nang maging walkout queen si Senadora Leila De Lima matapos muling mag-walkout kamakalawa ng gabi sa Senate Committee on justice and human rights kaugnay sa extra judicial killings. Dahil ito sa iringan nila ni Senador Richard Gordon, Sen. Alan Peter Cayetano at Sen. Panfilo Lacson. Pahayag ng senadora masyado umanong masakit ang mga ibinibintang sa kanya. Ipinakita  umano niya ang kanyang protesta sa pamamagitan ng pag-alis sa senate hearing. Hindi umano niya inasahan na itatrato siya ng mga kapwa senador ng kahalintulad ng pagtrato sa kanya ng congressmen sa House of Representatives. Nag-public apology ang senadora sa kanyang inasal.

Marahil ay ramdam o di kaya ay naiisip na ng senadora na napagtutulungan siya, na nagbunsod sa kanya upang mag walkout. Gayon pa man mali pa rin at hindi isang magandang pag-uugali ang mag-walkout sa kasagsagan ng hearing. Bilang isang edukadong tao tama man o mali, kalabisan man o hindi, may katotohanan man o wala mas mainam pa rin na manatili sa pagdinig at ipagtanggol ang sarili. Ipakita sana niya na matapang niyang haharapin ang mga batikos at sasagot nang matapat sa mga tanong sa kanya, dahil wala naman maitutulong ang walkout niya bagkus ay nagmumukha pa siyang guilty. — Nikki Serrano ng Baguio City ([email protected], Oktubre 5, 2016)

* * *

PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na [email protected] o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 0939122568 para sa Smart. Salamat po!

PANGIL – Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *