PATAY ang dalawang lalaking hinihinalang sangkot sa ilegal na droga makaraan pagbabarilin ng pinaniniwalaang mga miyembro ng vigilante group sa magkahiwalay na insidente sa mga lungsod ng Malabon at Caloocan.
Sa imbestigasyon nina PO3 Julius Mabasa at PO2 Jose Romeo Germinal II, dakong 1:00 am nang pagbabarilin ng anim hindi nakilalang lalaki sa kanyang bahay si Gilbert Villaruz, 47, ng Bautista St., Brgy. Panghulo, Malabon City.
Sa Caloocan City, nagbabantay sa kanyang tindahan ang sidewalk vendor na si Archimedez Mendoza, 37, sa kanto ng Rizal Avenue Extension at 10th Avenue dakong 9:50 pm nang dumating ang dalawang armadong lalaking lulan ng motorsiklo at siya ay pinagbabaril.
( ROMMEL SALES )