KOMPIRMADO na!
Ang sikat na comics heroine na si Wonder Woman ay miyembro umano ng LGBT (lesbian, gay, bisexual at transgender) community.
Sa panayam ng Comicosity, inihayag ni Wonder Woman comics writer Greg Rucka ang bagong thematic elements sa kanyang comic series kasunod kay superhuman Diana, kabilang ang nag-trending na usapin ukol sa sexual or-ientation ng nasa-bing karakter.
Nang tanungin tungkol dito, kinompirma ni Rucka na tunay ngang isang ‘queer’ si Wonder Woman.
“When you start to think about gi-ving the concept of Themyscira its due, the answer is, ‘How can they not all be in same-sex relationships?’ Right? It makes no logical sense otherwise,” punto ng co-mics writer.
Idinagdag din ni Rucka sa kanyang mga rebelasyon ang dominating female presence sa kanyang istorya, maging ang mga romantikong relasyon sa pagitan ng mga Amazon, o Amasona.
“But an Amazon doesn’t look at another Amazon and say, ‘You’re gay.’ They don’t,” sabi ng manunulat. “The concept doesn’t exist. Now, are we saying Diana has been in love and had relationships with other women? As Nicola and I approach it, the answer is obviously yes.”
At ang kasagutang ‘oo’ ay may iba’t ibang kadahilan at pinagmulan.
“Perhaps foremost among them is, if no, then she leaves paradise only because of a potential romantic relationship with Steve (Trevor). And that diminishes her character. It would hurt the character and take away her heroism…” pagdidiin ni Rucka.
Sa katunayan, ayon dito, hindi nili-san ni WW ang piling ng mga Amasona dahil kay Steve kundi dahil nais niyang makita ang daigdig at kinakailangang gawin ito ng isa sa kanila at naging desisyon niya na siya ang gagawa ng ganitong bagay na isa rin sakripsiyo para sa kanya.
Mapapanood ang istorya ni WW sa upcoming film ng DC na Wonder Woman, na pinagbibidahan ni Gal Gadot bilang central superhero. Gagampanan ni Chris Pine ang bahagi ni Steve sa pelikula, at kasama niya rin si Robin Wright.
ni Tracy Cabrera