BINAWIAN ng buhay ang isang tricycle driver na kabilang drug watch list ng Barangay Anti-Drug Council makaraan pagbabarilin ng apat hindi kilalang mga suspek sa Malabon City kamakalawa ng gabi.
Hindi na umabot nang buhay sa Tondo Medical Center ang biktimang si Mauricio Recto, 59, ng C-4 Road, Brgy. Tañong, ng lungsod, ayon sa pulisya ay sumuko na kamakailan sa Oplan Tokhang.
Sa imbestigasyon nina SPO1 Rolando Hernando at PO2 Benjamin Sy Jr., dakong 11:58 pm, natutulog ang biktima sa
kanyang tricycle sa gilid ng C4 Road nang bigla siyang paputukan ng hindi nakilalang mga suspek na lulan ng motorsiklong walang plaka.
( ROMMEL SALES )