Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

67-anyos taxi driver kinatay, binigti ng 2 holdaper

PATAY ang isang 67-anyos taxi driver makaraan pagsasaksakin at ibigti ng dalawang holdaper sa Valenzuela City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Valenzuela City Police chief, Senior Supt. Ronaldo Mendoza ang biktimang si Wenceslao Alcantara, biyudo ng 201 Mabuhay Compound, Sauyo, Quezon City.

Ayon kay SPO2 Rey Bragado, dakong 2:40 am, naghihintay ng pasahero ang tricycle driver na si Laurence Rivares sa Disiplina Village, Brgy. Ugong nang mapansin niya ang biktima sa loob ng minamanehong Lady Mely taxi (TXJ-751) na nakaparada sa NPC Road habang nagmamadaling umalis patungong GSIS Village ang dalawang hindi nakilalang lalaki.

Ipinaalam ni Rivares sa mga pulis ang nakita at nang magresponde ang mga awtoridad ay natuklasan ang wala nang buhay na biktima sa loob ng taxi na may mga saksak sa dibdib at nakabigti ng sinturon ang leeg.

( ROMMEL SALES )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Sa San Rafael, Bulacan
Top 4 provincial level most wanted rapist timbog

Naaresto ng mga awtoridad ang isang lalaking may kasong panggagahasa sa bisa ng warrant of …

Chopper bumagsak sa Pililla Rizal

Chopper bumagsak sa Pilillia, Rizal; 1 patay, 4 sugatan

DEAD on the spot ang isang indibiwal habang sugatan ang apat na iba pa matapos …

Tondo Riot

Sangkot sa riot sa Tondo, 9 kabataan dinampot

NASAKOTE ng mga awtoridad ang siyam na menor de edad at isang 18-anyos suspek, matapos …

Dead Road Accident

Lady rider patay sa trailer truck

AGAD binawian ng buhay ang isang 58-anyos babaeng rider matapos magulungan ng trailer truck ang …

cal 38 revolver gun

Sa Cubao, QC
Kelot timbog sa bogang ibinongga

ARESTADO ang isang lalaki nang magresponde ang mga awtoridad sa sumbong ng Unified 911 na …