Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Guji, thankful sa pagkakasama sa The Greatest Love

MARAMI ang ginulat sa galing ng pag-arte ni Guji Lorenzana sa The Greatest Love. Galing na galing sila sa pakikipagsabayan nito sa matinding pagganap ni Sylvia Sanchez sa ilang eksena  kasama si Andi Eigenmann.

Kaya nang natanong namin siya kung bakit paisa-isa lang ang mga proyektong ibinibigay sa kanya ng kanyang home studio.

Agad nitong sinabi na marami silang mga artist ng Star Magic kaya hindi lang sa kanya naka-focus ang mga proyekto ng Kapamilya.

“But I’m happy and thankful dahil magaganda naman ang mga vehicle na ibinibigay sa akin. Thank you at nakasama ko si Sylvia (Sanchez), she’s great, terrific ang akting,” pahayag nito.

Bago pumasok sa showbiz si Guji ay isa siya sa magaling na mang-aawit at katunayan, mayroon na siyang nagawang album noon at inihahanda na kasunod.

Ayon sa actor/singer, mayroon silang gagawing concert ngayong October 14 at 15 sa Music Hall, Metrowak Ortigas, ang Rediscovery. Tampok din ditto sina Marq Dollentes, Jane Joseph, at Steven Ofori na ipakikita nila ang kani-kanilang kakaibang musika.

Ang mga nabanggit na solo artist ay mga singer/songwriter kaya sa unang pagkakataon ay pagsasamahin nila ang kanilang mga obra tulad ng original songs at covers. Kasama rin ang baguhan at talented na si Vanerie Rosales na magiging front act sa concert.

Ayon kay Vanerie, tracing from the root, parang long distant relative niya si Jericho Rosales lalo pa’t taga-Batangas silang dalawa. Good luck!

STARNEWS UPLOAD – Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …