SA unang 100 araw ni Pangulong Rodrigo Duterte, masasabing marami na siyang nagawa at pangunahin ang pagpapalabas ng executive order para sa Freedom of Information (FOI) at ang pagpapasuko sa mahigit 800,000 drug pusher/addict, ayon kay presidential chief legal counsel Atty. Salvador Panelo.
Tinukoy ng batikang abogado ang dalawang inisyatiba ng pangulo bilang ‘primary achievement’ dahil sa usaping hindi natututukan at nagawang resolbahin ng mga nakaraang administrasyon na lubhang napakahalaga para sa pag-unlad ng bansa.
Bagama’t kautusan pa lang mula sa Malacañang ang inilabas para sa FOI, ipinakita ni Duterte ang pagnanais na magkaroon ng ‘transparency’ sa kanyang panunungkulan bilang punong ehekutibo.
“Inuuna niya muna sa sarili niyang bakuran dahil ang paniniwala niya ay kailangang bukas sa pagsusuri ng sambayanan ang lahat ng kaganapan at transaksi-yong nagaganap sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan,” punto ni Panelo.
Hulyo 23, o 23 araw makaraang umupo bilang pangulo, nang lagdaan ng dating alkalde ng Davao City ang EO para sa FOI.
Sa kabilang dako, ipinagmalaki din ng presidential chief legal counsel ang kasalukuyang inisya-tiba ng administrasyon Duterte laban sa kriminalidad at ilegal na droga.
“‘Yan ay sa puspusang anti-crime at anti-drugs drive ng ating pambansang pulisya (PNP),” ani Panelo. “Sadyang bumaba ang bilang ng index crime at halos mawala na ang supply ng shabu na ibi-nebenta sa kalsada,”ani Panelo.
Batay sa talaan ng PNP, bumagsak ang nationwide daily ave-rage ng focused crimes sa 49 porsiyento, mula sa 499 insidente sa ikalawang semestre ng taon 2015 sa 256 kaso sa nasabi rin panahon ngayong taon.
Nakita ang pagbaba ng krimen sa tinaguriang daily crime trends na uma-bot sa 353 kaso noong Hul-yo 4 ngunit dumausdos sa 23 insidente nitong Agosto 21.
Kasabay nito ang pagtaas ng bilang ng mga pagsuko at pagkakaaresto sa mga suspek sa droga.
( Tracy Cabrera )