Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mark Anthony, negatibo sa shabu, positibo sa marijuana

MAGKAKASUNOD ang mga artistang nahuhuli dahil sa pagkasangkot sa bawal na gamot mula nang lumabas ang balitang may 50 mga personalidad sa listahan ng pulisya.

Unang nahuli sa buy bust operation ang dating bold star na si Sabrina M sa Quezon City at noong Biyernes, September 30 ay ang starlet na si Krista Miller na siya ring ‘third party’ daw sa pagkasira ng pamilya ng mag-asawang Cesar Montano at Sunshine Cruz.

Sa pinakahuling ulat, si Mark Anthony Fernandez naman ang nahuli noong Lunes ng gabi mula sa isinagawang check point sa Angeles, Pampanga.

Ayon sa balita, isang kilong marijuana ang nakuha sa kanya at habang isinusulat namin ito ay naka-detain ang aktor sa Station 6 ng Angeles City Police.

Samantala, nag-negatibo sa metamphetamine o shabu si Mark ngunit nag-positibo naman sa THC metabolites o marijuana mula sa isinagawang drug test.

Maraming mga nagmamahal sa kanya lalo na ang ‘Guwaping’ fans ang nagpasalamat hindi ito nanlaban sa pulisya.

Matatandaang noon pa nalulong sa droga ang aktor at nagboluntaryo pa nga itong pumasok sa rehabilitation center. Maraming nag-akalang pagkatapos lumabas sa rehab at naging matagumpay naman ang pagbabalik-showbiz ay makakalimutan na ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Sa kabilang banda, tuloy pa rin ang panawagan ng Presidente ng Kapisanan ng mga Artista ng Pelikula at Telebisyon (KAPPT) na si Rez Cortez na huwag agad-agad pangalanan ang mga artista na nasa listahan ng mga sangkot sa ipinagbabawal na gamot. Bagkus, paimbistagahan muna at kung kailangan ipa-drug test.

STARNEWS UPLOAD – Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …