Saturday , November 16 2024

2 pusher utas sa parak

PATAY ang dalawang hinihinalang drug pusher makaraan makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa Novaliches ng nasabing lungsod

Sa ulat kay QCPD director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T Eleazar, ang mga napatay ay sina ErlindoTorres at Wilfredo Dela Cruz, kapwa residente ng Rockville 1, Brgy. San Bartolome, Novaliches.

Ayon sa ulat, naglatag ng buy-bust operation ang mga operatiba ngunit nakipagpalitan ng putok ang mga suspek sa mga pulis na nagresulta sa kanilang pagkamatay.

Samantala, isang hinihinalang tulak ng droga ang napatay makaraan makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) Fairview Police Station 5 kahapon ng madaling araw sa nabanggit nalungsod.

Kinilala ang napatay na si Leonel Lipata alyas Tukne, 39, residente ng 202 Calderon St., Brgy. Sta. Lucia, Quezon City. ( ALMAR DANGUILAN )

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *