Wednesday , December 25 2024

Laban sa ilegal na droga

AYON at okey ang mga police operation kontra ilegal na droga na positibo o umano’y nanlaban ang mga sangkot.

Pero sa pananaw ng ilan or from a layman’s point of view, parang may kakulangan pa raw ang lahat.

All praises ang hanay ng pulisya sa lahat ng effort sa kanilang laban kontra ilegal na droga.

Sa mga namatay na umaabot sa halos 2,000, sa mga sumuko na umabot sa 7 digits at sa ilan pang hindi pa desidido sa desisyon, dapat lang tayong bumilib sa hakbang at pamamalakad ng Philippine National Police (PNP).

Pero sa lahat ng pagsusumikap ng PNP ay hindi rin natin maiaalis sa publiko ang magtanong. Kumbaga sa estudyante ay puwedeng bigyan ng gradong above-average ang PNP segun sa kanilang performance.

Base sa kanilang obserbasyon, marami na raw ang nasawi pero naglalaro lang daw sa label ng mga piyait-piyait. Karamihan daw sa mga namatay ay sa barong-barong lang at sa lansangan natatagpuan. Sa simpleng salita, karaniwan mga street-pusher, hampas-lupa at puwede rin sabihin mga taong isang kahig, isang tuka.

Sana naman daw ay high-profile drug pushers ang malathala o maski takpan na lang ng diyaryo sa kanilang mansion. Sabik daw silang mabalitaan na sila naman ang nanlaban, nakipagputukan at napatay sa shoot-out na hindi paltik ang baril na gamit.

Anyway, kahit ano pa ang mangyari, saludo pa rin kami sa hanay ng pulisya na ‘di kaila sa atin ay handang isakripisyo ang kanilang buhay alang-alang sa giyera kontra ilegal na droga.

Mabuhay ang PNP!

PINABILIB TAYO NG MPD

PCP-BLUMENTRITT

Bilib at saludo kami sa liderato ng MPD Blumentritt detachment sa pamumuno ni Major Mallorca at kanyang mga pulis.

Akala natin noong una ay ningas-kogon at moro-moro lang ang kampanya nila laban sa illegal vendors para panatilihing bukas sa trapiko at pedestrian ang kalye Blumentritt.

Mali pala ang aming espekulasyon dahil halos magtatatlong buwan na ngayon ay nananatiling nasa kaayusan at malinis ang lugar.

Maging ang kalsada dating hindi madaanan ay maluwag na maluwag sa sasakyan at pedestrian. Ang kaayusang ito ay hindi sa mga vendor nagmumula kundi sa apulisya na nagpapakita ng respeto at disiplina sa kanilang mga sarili.

Hindi lang police visibility kundi police ability pa. Iyan ang teach by example ni Major Mallorca. Malamang ay liyamado na si Major sa pagiging detachment commander of the year at best detachment of the year.

Mabuhay ka Sir!

***

Hindi rin nalalayo ang performance ng mga tauhan at liderato ng Dagupan at Asuncion PCP ng MPD-PS 2. Halos kasing luwag rin ng Blumentritt ang kalye ng Dagupan at C.M. Recto patungong Asuncion. Mahusay kasi ang kanilang station commander na si Col. Ibay.

(For clarification lang, HINDI ito si Capt. Ibay na dating hepe ng DPIOU sa headquarters at walang blood relation ang dalawa.)

YANIG – Bong Ramos

About Bong Ramos

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *