MISMONG si Senator Kiko Pangilinan ang nagbigay-linaw sa pagkabanggit ng pangalan ni Sharon Cuneta bilang isa sa celebrities na nag-perform sa loob ng New Bilibid Prison kasama sina Freddie Aguilar, Ethel Booba, Mocha Girls at iba pa kaya natawag ang national penitentiary na Little Las Vegas.
Pinangalanan ang Megastar ni Rodolfo Magleo na isa sa mga witness ni Justice Secretary Vitaliano Aguire II na humarap sa pandinig ng House of Representatives noong Lunes, Septemeber 19 ukol sa paglaganap ng droga sa loob ng Bilibid Prison.
Inamin ng senador na minsan lang nag-perform ang kanyang asawa sa loob ng maximun security compound sa Muntilupa sabay ang paglilinaw na bahagi ng TV show ng aktres sa TV5, ang Sharon, Kasama Mo Kapatidna nagtatampok ng buhay ng mga bilanggo. May kaugnayan din ito sa outreach program ng RockEd Philippines na naganap noong July 12, 2010.
Base naman sa post ng RockEd founder na si Gang Badong sa Twitter account nito, sinabi niyang hindi niya binayaran ang Megastar sa ginawang pagkanta.
STARNEWS UPLOAD – Alex Datu