NAKASUBAYBAY ang sambayanang Filipino sa nagaganap na hearing sa Kamara kaugnay sa sinasabing malawakang drug trade sa National Bilibid Prison (NBP) na iniuugnay kay dating Juctice Secretary at kasalukuyang Senadora Leila De Lima.
Walang nagawa si Senator D5 kundi ang magngitngit habang nagaganap ang pagdinig ng mga iniharap na witness ni SOJ Vitaliano Aguirre sa milyon-milyong drug trade sa Bilibid.
Ayon kay SOJ Aguirre, ang mga testigo ay magpapatunay na may koneksiyon si De Lima sa bentahan ng ilegal na droga at corruption sa loob ng NBP.
Sa salaysay ni Coco Martin ng NBP na si Colanggco ay nakausap pa raw niya sa cellphone si D-5.
Isa-isa pang binanggit ang digits ng cellphone number na ginamit nila.
Very effective naman ang aksiyon ni Senator Manny Pacquiao sa kanyang motion to vacate the chairmanship & membership ng Senate committee on Justice.
Abangan pa po natin natin ang mga susunod na kabanata sa buhay ni Leila De Lima, mga suki!
KUDOS MPD!
MAGANDA at iba talaga ang liderato ngayon ng Manila Police District (MPD) nang magsimula ang panunungkulan ng Duterte Administration.
Kitang-kita sa bawat anggulo ang magandang pagbabago sa Maynila sa pamumuno ni SSupt. Joel Coronel sa MPD.
Tila bumabalik ang kinang ng MANILA’S FINEST na minsan nang kumupas nang nahaluan ito ng ilang BUGOK na pulis!
Napanatili rin ng MPD-PS3 ni Kernel Santiago Pascual at Blumentritt PCP commander CInsp. Marlon Mallorca ang kaayusan sa kanilang AOR.
Inakala pa ng iba na OPLAN PAKILALA lamang ang kanilang clearing operations sa kanilang AOR o ‘di kaya ay ningas-kugon o papogi lang pero ilang buwan na ang lumipas ay maayos at maluwag na ang Blumentritt.
Mantakin ninyo, ilang PCP commander na ang naupo riyan pero walang nakapaglinis at nagpaluwag sa mga kalsada?
Hindi rin matatawaran ang anti-illegal drug operations nila. Sila raw ngayon ang TOP DRUG BUSTER ng MPD. Sinundan ng MPD PS-11 ni P/Supt. Amante Daro, PS-1 ni P/Supt Red Ulsano, PS-7, PS-4 at PS-5.
TOTOONG ENKWENTRO
NG MPD PS-11
Sa kampanya ng pulisya na OPLAN TOKHANG, hindi maiiwasan na may ilang tao ang nagdududa kung totoong may enkwentrong nangyayari sa pagitan ng pulis at drug pushers.
Para sa kaalaman ng publiko sa bawa’t drug raid ay tunay na peligro sa hanay ng pulis.
Gaya nga sa huling drug raid ng mga tauhan ni PS-11 Supt. Amante Daro at SAID-SOTU C/Insp. Leandro Guttierez at Intel S/Insp. Edward Samonte, isa sa kanilang eperatiba ang nasugatan sa tama ng bala makaraang maunahan ng isang tinutugis na drug suspek.
Mabuti na lang at hindi napuruhan si Tata Moulic nang mabaril ng nanlaban na suspek sa Del Pan Binondo.
Pero patay naman ang apat na wanted drug pushers sa naturang drug raid. Kasalakuyang nagpapagaling na sa Ospital ang nabaril na pulis.
Good work sa lahat ng bumubuo ng raiding team ng PS-11!
***
Pakikiramay sa dating opisyal ng MPD. Taos-pusong pakikiramay sa mga naiwan ni dating Manila Police District (MPD) ret. Col. Rodolfo Monzon siya ay nanilbihan sa administrasyon ni former Mayor Alfredo Lim na noo’y MPD police director bilang station commander ng MPD PS-5 at MPD PS-3.
Muli po ang taos-puso po naming pakikiramay.
YANIG – Bong Ramos