NAGPE-PLAY time lang siguro sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardodahil hirap nilang aminin kung naghahalikan na sila off-cam. Ang inamin lang nila ay ang on-cam kissing na napanood na Barcelona, A Love Untold.
But in fainess, ‘pag-off-cam wala namang lips to lips na nangyayari pero hinahalikan lang daw ni Daniel si Kath sa ulo. Ang halik na ito’y nagpapakilig lalo’t sinasabing naghihintay lang ang aktres na halikan ito.
Naganap ang tsikahang ito nang mag-guest sila sa Gandang Gabi Vicena walang malisya ang pag-amin ni Daniel na ang tawag sa telepono ni Kathryn ang nagpapatayo sa kanya sa umaga. Dapat daw kasing sagutin agad niya ito kung hindi, mapapagalitan siya.
Ayon naman kay Kath, kailangan niyang tumayo agad at magbihis dahil sa kanya hinahanap si Daniel. Siya ang tinatawagan ng mga staff para sa showbiz commitments ng aktor.
“Nagtataka nga ako dahil sa akin hinahanap si Daniel eh, hindi naman kami magkasamang natutulog. Si Daniel naman, kapag tinawagan na ‘yan ay kailangan nakabihis na ‘yan kasi ako ang tinatawagan kapag may appointment ‘yan. Sa umaga, ako ang nagigising ng maaga, ‘pag gabi naman si Daniel naman ang buhay. So balance.”
Nakaaaliw pagmasdan ang dalawa lalo pa’t walang katapusan ang kanilang holding hands kahit ayaw nilang umamin na may relasyon na.
STARNEWS UPLOAD – Alex Datu