SA pagkakaalam ko po ay pansamantalang magkakanya-kanyang lakad at mundo muna ang KathNiel after nitong Barcelona. Mukhang magiging expirimental na naman ng ABS-CBN ang dalawa na sa pagkakataong ito ay hindi naman bubuwagin kundi kailangang magbigayan ng espasyo muna pansamantala para magawa nila ang kani-kanilang previous commitments na nakaplano na talaga.
Sa pagkakaalam ko po ay gagawin ni Kathryn Bernardo ang isang pelikula with John Lloyd Cruz at si Daniel Padilla naman ay sisimulan ang isang bonggang sitcom na parang remake ng super sikat noong Palibhasa Lalake.
Kung tutuusin, espasyo lang muna ito para sa dalawa na after naman yatang gawin ang mga ito ay magsasama muli para sa isang pagbabalik tambalang napakalaking teleserye next year.
Bongga kung tutuusin kaya sa fans and followers ng dalawa, huwag malungkot, huwag magwala at huwag ngangawa dahil ang KathNiel ay KathNiel! Okey lang ‘yan! Ganoon talaga!
REALITY BITES – Dominic Rea