MUKHANG mahilig gumawa at magpaputok ng kakaibang issue ang ilang tulis ‘ehek’ pulis nuwebe na talaga namang nag-trending.
Walang-humpay ang oplan double barrel ni MPD DD SSupt. Joel Napoleon Coronel kaisa ang halos lahat ng Presinto ng MPD.
Outstanding ang PS-1 ni Supt. Red “Snappy” Ulsano at PS-11 Supt. Amante Daro laban sa ilegal na droga.
Pasado rin si PS-7 Supt. Alex Daniel at PS-2 Supt. Tom Ibay at PS-3 Supt. Santiago Pascual.
Wala naman makatatalo sa performance ng PS-9 ni P/Supt. Odrada alyas kernel trending dahil minsan lang daw nagtrabaho ‘e sumabit pa?!
Poging-pogi na sana sina Kernel Odrada sa isang drug bust encounter kuno sa dalawang tulak ng shabu raw sa Malate.
Ayos na sana pero biglang nagulat ang madlang pipol nang biglang gumalaw ang isang napatay nila!
Kitang-kita ang pangyayaring ‘yan ng mga masisipag nating KATOTO na graveyard shift duty sa MPD Press.
Sa tagal nga raw na nakadapa ng duguang suspek ‘e hindi ba man lang napulsuhan ni Kernel Ordrada??
Hik hik hik…
Moral lesson nito Kernel Odrada, sa susunod na magpapatawag kayo ng media ay siguraduhin ninyo muna na malinis at finish na ang trabaho ng tropa ninyo!
Paano ngayon ‘yan kung mapatunayan na wala palang enkuwentrong nangyari sa pagitan ng suspek at pulis?!
Bet-sa!!!
MANILA DPS AT TRAFFIC
WALANG SINABI
SA CALOOCAN DPSTM!
Malayong-malayo ang dalawang unit ng Manila city hall kung ikokompara sa maayos na pamamalakad ng pinag-isang unit sa lungsod ng Caloocan.
Mahusay ang pamamalakad ng Caloocan Department of Public Safety and Traffic Management hindi gaya sa Maynila na dalawang tara ‘este opisina.
Take note Mayor Erap sir, bakit daw malayo ang agwat at walang panama ang dalawang unit ninyo kompara sa isang DPSTM ng Caloocan?!
Baka sakaling gusto ninyong malaman kung ano ba ang ipinagkaiba ng Maynila at sa Caloocan?
Ang kailangan lang naman ay tunay na malasakit sa tao at tapat na trabaho. Hindi pansariling bulsa at pahirap sa publiko.
‘Yun lang!
PAGBATI SA RESPETADO
AT MAKATAONG DPSTM OFFICER
Belated Happy Birthday sa matipunong Public Servant na si Mr. Emmanuel “Wewel” S. De Leon ng Caloocan Department of Public Safety and Traffic Management (DPSTM).
Sana’y ipagpatuloy ninyo ang magandang pamamalakad at kaayusan sa Caloocan.
Saludo tayo sa inyong malasakit sa mga kapos-palad ng Kankaloo.
ANG DALAWANG KATIWALDAS
cum BAGMAN SA MAYNILA!
GASGAS na gasgas na ang dalawang ugok na bida ngayon sa Maynila.
Kanya-kanya silang diskarte ngayon sa paggawa ng kuwarta sa lungsod ni ERAP!
Sina alyas Boss Chebeng at Matansero ang masipag na humuhukay ng pagkakaperhan sa katas ng mga vendor ngayon sa Maynila?!
Mistulang nagpapaligsahan ang dalawang ugok sa pagkamal ng salapi sa Maynila.
Kahit nga raw si bossing Jude ay walang magawa sa diskarte ng dalawa?!
YANIG – Bong Ramos