Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carla Abellana Tom Rodriguez

Tom, ‘di pa mapakasalan si Carla dahil sa maysakit na ama

TWENTY nine years old na si Tom Rodriguez sa October at aniya’y iyon na ang tamang panahon para iharap na niya ang kanyang kasintahang si Carla Abellana sa altar. Pero nagdadalawang-isip siya dahil hanggang ngayon ay ‘bed-ridden’ ang kanyang ama kaya hindi pa siya makapagdesisyon na pakasalan ang GF.

Nasa America pa ngayon ang ama ni Tom na dumaraan sa chemoteraphy at gumagamit ng ‘marijuana’ na aprobadong alternative medicine sa kanilang lugar sa Arizona.

Ani Tom, iyon ang dahilan kaya hindi pa makauuwi ang kanyang ama dahil hindi aprubado ang ‘marijuana’ bilang alternative medicine rito sa atin.

Inamin nitong malaki ang naitulong ng nasabing gamot sa paggaling ng  ama lalo nagsisilbi ito bilang pain reliever.

“Ako sa totoo lang, sobrang suporta ko sa layunin ng ating Presidente at sa tungkulin nila, sa misyon nila na labanan ang droga rito sa atin. Nakakaperhuwisyo naman talaga at sa kinabukasan ng ating mga kabataan. Gayunman, siguro kailangan nating suriin kung ano man ‘yung mga batas natin, alamin natin kung it’s still relevant.”

STARNEWS UPLOAD – Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …