MARAMI ang naninibago sa kaguwapuhan ni Dennis Trillo. Mas gumwapo raw ito ngayon at tila may nag-iba sa hitsura. Kaya lang may nagparating sa amin thru text na may kapalit mang kaguwapuhang iyon, tila nahihirapan daw itong maigalaw ang mukha dahil sa botox. Totoo kaya ito?
Ang tsika nga, sising-sisi ang aktor dahil hirap itong umarte lalo na’t nangangailangan ng facial acting ang eksena. Halata raw sa bandang itaas ng pisngi na malapit sa mata ang ipinagawa.
Samantala, marami rin ang nakapansin sa mukha ni Luis Manzano na ang dati nitong medyo humpak na mukha ay biglang nagkaroon ng umbok sa parte ng pisngi.
Kung sabagay, walang masama sa pagiging banedosa dahil bilang artista, obligasyon nilang magmukhang maganda at guwapo sa harap ng kanilang mga tagahanga. Tuod gyud!
STARNEWS UPLOAD – Alex Datu