PAYAG na raw si Robin Padilla sa pagpapalit ng pangalan at maging sa pagpapalit ng gender ng kanyang kapatid na si Rustom na kilala na ngayon bilang BB Gandanghari. Pormal na kasing hiningi niyon sa hukuman sa US, na roon siya based ngayon, ang opisyal na pagpapalit ng kanyang identity.
Ang comment ni Robin ngayon, ”kung masaya siya sa ganoon ok na rin.”
Hindi ganyan ang unang sagot ni Robin nang unang magladlad si Rustom. Hindi nila matanggap noong una at sinasabi nga niyang iyan ay laban sa mga turo ng Islam. Pero siguro nakita niya na hindi na mababago ng kahit na ano ang kapatid niya, nakipag-compromise na lang siya. After all maikakaila nga ba niyang kapatid niya iyon kahit na ayaw na ring gamitin niyon ang pangalan nilang Padilla at gusto nang makilala sa pangalang Gandanghari?
HATAWAN – Ed de Leon