PATAY ang isang barangay chairman makaraan pagbabarilin ng apat suspek na sakay ng dalawang motorsiklo habang nakikipag-inoman sa kanyang mga kaibigan sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.
Agad binawian ng buhay ang biktimang si Prolly Bolo, 42, barangay chairman ng Brgy. 118, at residente ng 317 2nd St., 4th Avenue, ng lungsod.
Ayon sa ulat, dakong 3:45 pm, nakikipag-inoman ang biktima sa loob ng Prolly Junkshop sa 9 Baltazar St., 6th Avenue, Brgy. 53 nang dumating ang mga suspek na lulan ng dalawang motorsiklo at siya ay pinagbabaril.
Ayon sa imbestigas-yon, maraming ipinahu-ling drug pusher ang biktima sa kanilang lugar.
( ROMMEL SALES )