Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jackie, ayaw nang magpa-sexy bilang respeto sa non-showbiz BF

MEDYO nag-resign na ngayon si Jackie Rice sa pagpapa-sexy bilang respeto sa kanyang karelasyon na non-showbiz guy for seven years. Inamin nitong hanggang ika-anim na puwesto lamang ang naabot niya na nagreyna ang kapwa niya  StarStruck  na si Jennylyn Mercado.

Inamin niyang nanligaw talaga siya ng mga tagahanga para iboto siya pero hindi siya umabot sa puntong bumibili siya ng text votes.

“Mayroon bang ganoon, wala akong alam. Kung mayroon, wala rin akong pambili dahil mahirap kami, wala nga kaming sariling bahay, he he he,”  pag-amin nito.

Sa ngayon, aside sa Bubble Gang, wala nang ibang pinagkakaabalahan  si Jackie at kahit nakasama siya noon sa Encantadia ay parang hindi man lang siya na-acknowledge. One thing good with her ay aminado siyang pasaway siya noon kaya usad-pagong ang kanyang karir.

Inamin din niyang hanggang ngayon ay may trauma pa rin siya sa kanyang ginawang ‘social experiment’ na tinarayan nito ang fans na nanood ng kanyang taping. Curious lang daw siya sa magiging reaksiyon ng kanyang ‘pinagsusungitan’ na isang matandang tagahanga pero ang hindi niya alam, nakunan siya ng video habang ginagawa iyon at kumalat sa social media.

( Alex Datu )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …