PATAY ang tatlo katao na sinasabing sangkot sa ilegal na droga, makaraan pagbabarilin ng pinaniniwalaang mga miyembro ng Caloocan Death Squad (CDS) sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.
Ayon kay Caloocan Chief Police Deputy Chief for Administration, Supt. Ferdie Del Rosario, dakong 5:30 am, natutulog sa loob ng Julaton Compound ang mga biktimang sina Mark Angelo Julaton, 19, at Ae-mos Timothy Cross, 19, nang pasukin ng dalawang armadong suspek na kapwa naka-bonnet at face masks at sila ay pinagbabaril. Sa Greenville Subdivision, Brgy. 171, nasa loob ng kuwarto ng kanilang bahay si Christian Patrik Punla, 28, at live-in partner ni-yang si Jessica Almonda, 22, dakong 1:30 am nang biglang pasukin ng tatlong armadong suspek at pinagbabaril ang biktima.
( ROMMEL SALES )