NAPATAY ng mga pulis ang tatlong lalaking hinihinalang tumangay sa isang taxi sa Quezon City, nitong Linggo ng gabi.
Sinasabing pinatigil ng Quezon City Police District (QCPD) Anti-Carnaping Unit ang mga suspek sa checkpoint sa North Avenue, ngunit imbes sumunod ay humarurot palayo.
Nagkahabulan at nagkaputukan hanggang mapatay ang tatlong lalaki habang nakatakas ang dri-ver ng grupo.
Napag-alaman, ang taxi ay pagmamay-ari ng 66-anyos na si Alberto Tabacio, na tinutukan ng baril at pinababa ng mga suspek sa Kamuning Road dakong 10:00 pm nitong Linggo ng gabi.
( ALMAR DANGUILAN )