PATAY ang isang hinihinalang drug pusher nang mang-agaw ng baril sa isang pulis makaraan mahuli sa buy-bust operation sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ang suspek na si Patricio Liego, 35, ng Phase 10, Brgy. 176, Bagong Silang, hindi na umabot nang buhay sa Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital sanhi ng tama ng bala sa katawan.
Ayon kay Caloocan City Police chief, Senior Supt. Johnson Almazan, makaraan mahuli si Liego ng mga tauhan ng Community Precinct (PCP) 3 sa buy-bust operation sa tapat ng kanyang bahay dakong 1:00 am, bigla na lamang inagaw ang baril ng isang pulis habang nasa loob ng mobile patrol kaya napilitan ang mga awtoridad na siya ay barilin.
( ROMMEL SALES )