PATAY ang tatlo katao makaraan umatake ang hinihinalang vigilante group kamakalawa ng madaling-araw sa magkakahiwalay na lugar sa Caloocan City.
Kinilala ang mga biktimang sina Lawrence Bisnan, 41, Joey Grabe; at Dennis Abartosa, 40, hinihinalang mga sangkot sa illegal na droga.
Si Bisnan ay pinatay malapit sa kanyang bahay sa Phase 6, Purok 2, Brgy. 178, Camarin dakong 3:00 am, si Grabe ay itinumba dakong 2:28 am malapit sa isang tindahan sa Phase 4, Package 1; habang si Abartosa ay pinagbabaril dakong 1:05 am sa Phase 10, Bagong Silang.
( ROMMEL SALES )