TIYAK nakahinga na ng maluwag si Gary Valenciano dahil sa pagkakaroon ng ‘change of heart’ ng kanyang anak, si Gab Valenciano na rati ay numero unong bumabatikos sa ating Presidente Rodrigo Dutertebago mag-eleksiyon.
Matatandaang sobrang aligaga si Gary sa paghingi ng paumanhin sa pinagsasabi ng kanyang anak laban sa ating Pangulo. Sobrang kontra ang anak sa kapasidad ng ating Presidente pero kabaliktaran ang nangyari ngayon dahil napalitan na ito ng malaking respeto pagkatapos nitong napagtanto na karapat-dapat maging pangulo ang dating alkalde ng Davao City.
Base sa accomplishment ngayon ni Pangulong Digong, sobrang masaya at kontento si Gab at inaming sobrang na-impress siya. Kabaliktaran noon na kaya ayaw niya sa ating Pangulo ay dahil ayaw nito sa pamamahala at pananalita nito.
Talagang inaabangan ni Gab ngayon ang susunod na gagawing hakbang ng ating pangulo kasunod buwan ng pagsugpo nito sa droga.
STARNEWS UPLOAD – Alex Datu