Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
aiai delas alas

Ai Ai delas Alas, ‘di pa puwedeng magpakasal

TECHNICALLY-divorced si Ai Ai delas Alas pero hindi pa siya puwedeng mag-asawa dahil bilang isang Pinay, hindi pa siya totally-divorced dito sa ating bansa dahil hindi pa nire-recognize ng ating pamamahalaan ang divorce.

Sa kaso ni Jed Salang, siya lang ang diborsiyado at puwedeng mag-asawa uli dahil isa siyang American citizen samantalang ang komedyana ay hindi pa puwede dahil nga isa itong Pinay.

Matatandaang 29 na araw lamang nagsama sina Ai-Ai at Jed  bilang mag-asawa pagkatapos nilang magpakasal sa America noong 2013 na nauwi sa hiwalayan.

Sa aming pagkaalam, nakailang failed relationship na rin ang komedyana kaya ngayon ay posibleng nauntog na siya at nagdesisyon nang hindi na padalos-dalos sa pagpaplano.

At ngayon, tiyak masusubukan ang kanyaang katatagan dahil nahaharap na naman siya ng isang pagsubok sa kanyang ‘batang papa’ na si Gerald Sibayan na karelasyon ngayon.

Ayon sa kanya, posibleng abutin pa ng lima o anim na taon bago siya muling magpakasal.

At dahil ilang beses na siyang nauntog dulot ng maling desisyon, ipinauubaya na lang nito sa Diyos ang desisyon kung saan at kailan ang tamang panahon para siya ay muling humarap sa altar. Kaya sa ngayon, may natutuhan na siya sa buhay, ang iwasan ang padalos-dalos na desisyon dahil mahirap ang magkamali uli.

Light moment muna ang hinaharap ngayon ng komedyana dahil sasabak na naman siya sa pagko-concert, isang bagay na sobra niyang  na-miss.

Kung sabagay, mas visible naman ngayon sa telebisyon at pelikula ang komedyana na alam naman natin na mas patok sa pagko-concert kaya naman siya ang tinaguriang Concert Comedy Queen.  Inihahanda na nito ang sarili para sa isang kabogan ng kantahan, sayawan, at komedi kasama si Lani Misalucha, ang Ai Meets Lani: Lani May Ai.

STARNEWS UPLOAD – Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …