Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hataw columnist, napagkamalang driver/lover ni De Lima

HINDI malaman ngayon ng kasamahan namin dito sa Hataw na si Roldan Castro kung matutuwa siya o maiinis dahil pinagkamalan siyang lover boy o driver/lover ni Sen. Leila De Lima na mabilis na kumakalat ngayon sa social media.

Paggising niya noong Huwebes ng umaga ay bumalandra sa social media ang kanyang larawan kasama si De Lima. Kuha ang naturang larawan nang magpa-presscon noon ang senador na that time ay Department Of Justice secretary pa lamang.

“Nawindang ako at napatawa paggising. Wala akong kamalay-malay pinagpipistahan na pala ang picture namin ni Sen. De Lima na kuha namin noong presscon niya sa movie press. Ang dami kong messages na natanggap at tawag.Trending daw me…Ako raw ‘yung driver niya. My gosh kung alam lang nila na hindi ako marunong mag-drive dahil nerbiyoso ako. Hindi nga ako makalabas ng bahay ‘pag walang inaasahang driver, hahaha… Eto namang nasa social media share nang share nang hindi nagre-research… * #ýbwahaha * #ýkalorky * #ýmistakenIdentity,” pagtatanggol ni Roldan sa sarili.

Sa isa pang panayaman, sinabi pa ni Roldan na, ”Malaking dilemma ‘yan sa buhay ko!”

Gayunman, may mga hindi nakakabasa sa post/comment ni Roldan at patuloy siyang bina-bash ng mga basher ni De Lima.

May ipinakita pang larawan ng bahay daw ng tunay na driver ng senador, isa sa kanya at isa sa tunay na wife nito na may apat daw itong anak kaya lalong dumami ang bashers ni Roldan.

Kahit kaming nakaaalam ng tunay na pagkatao ni Roldan ay nakikisakay na rin hehehehe.

( Timmy Basil )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Timmy Basil

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …