Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
duterte aiza liza

Aiza, tututukan ang suliranin sa edukasyon, teenage pregnancy, at pagkalat ng HIV/AIDS sa mga kabataan

 

POSISYONG iniwan ng Kapuso actor Dingdong Dantes ang ibinigay  kay Aiza Seguerra, ang  pagiging Chairperson ng National Youth Commission at sa isang panayam ay nasabi nito na handa na siyang harapin ang responsibilidad bilang incoming Chairman ng NYC.

Noong Martes, August 16 ginawa panunumpa ni Aiza kay Pangulong Duterte at kasabay sa kanyang pagkatalaga ay ang kanyang mga plano. Inamin nitong malaking responsibilidad ang kanyang haharapin dahil napakaraming sektor ang kailangang mapagtuunan ng pansin sa mga kabataan. Plano niyang bibisitahin ang buong bansa para matutukan ang kalagayan ng edukasyon at iba pang suliranin tulad ng droga, teen-age pregnancy, at pagkalat ng HIV/AIDs sa mga kabataan.

Katatapos ding italaga ang partner ni Aiza na si Liza Dino bilang Chairman ng Film Development Council of the Philippines (FCCP).

Balik-Aiza, kamakailan ay naging matindi ang reaksiyon niya tungkol sa naging pahayag ni Urdaneta Mayor Amadeo Perez na naka-post sa kanyang Twitter account. May kinalaman ito sa naging pahayag ng alkalde na lahat ng mga Muslim ay dapat ma-ban sa kanyang siyudad. Kaya kinuwestiyon ang klase ng pag-iisip ng alkalde dahil ayon sa kanya, may mga Kristiyanong drug dealer, Muslims na drug dealer gayundin ang mga Atheist.

And to quote, “Huwag niyang gamitin ang ‘War on Drugs’ para mai-promote lang nito ang hate ang discrimination sa mga taong iba ang relihiyon at paniniwala. Delikado ang ginagawa niya.”

STARNEWS UPLOAD – Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …