IPINASISIBAK kay Pangulong Rodrigo Duterte ang hepe ng Muslim Affairs sa ilalim ng Office of the President dahil sa sinasabing P200-milyong anomalya kaugnay ng pagpoproseso ng Philippine hajj passports na iniisyu sa non-Filipino Muslims.
Sa liham na kanilang ibinigay kay Duterte, sinabi ng concerned employees of the National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) ang maanomalyang pilgrimage passport processing ay talamak kahit noong nagsisimula pa lang ang termino ni incumbent Secretary Yasmin Busran-Lao.
Ang NCMF ay pumalit sa Office of Muslim Affairs (OMA) noong 2010 at nakikipag-ugnayan sa national and local activities ng Filipino Muslims kabilang na ang taunang religious hajj.
Ayon sa mga empleyado, ang hajj passports ay iniisyu sa mga Indonesian, Malaysian at iba pang Asian nationals kapalit ng P25,000 kada isa dahilan upang maubusan ang mga Filipino Muslim ng hall passport at tuluyang hindi makadalo sa mandatory annual pilgrimage sa holy city ng Mecca sa Saudi Arabia.
Nagtatalaga ng limitasyon ang Saudi Ministry of Hajj para sa mga pilgrim mula sa bawat bansa.
Napag-alaman, ang quota para sa Filipinas ay nasa 8,000 pilgrims.
Nakatakda naman ang hajj ngayong taon sa ikalawang linggo ng Setyembre.
Sa P25,000 per hajj passport, lumalabas na aabot sa P200 milyon ang anomalya sa pagproseso nito.
Sinabi ng mga empleyado, naniniwala sila na alam ni Secretary Lao ang nagagangap na anomaly.
Pinangalanan ng mga empleyado ang lima pang personnel at opisyal ng NCMF sa pangunguna ng chief of staff nito isang Nurudin Lumundot.
Nabanggit ito sa liham ang mga kawani ng consular office ng Department of Foreign Affairs (DFA) at ilang hajj leader na itinalaga ng NCMF mula Zamboanga City, Tawi-Tawi at Palawan.
Pinalanganan din nila ang hajj leaders na sina Omar Abdul Aziz alias Rasidi, Jackaria Omar, Aidarus Abdulla, Abdul PattaKangal at isang Sheik Kurais at iba pa.
Ayon sa mga empleyado, possible umanong bino-broker ng mga designated hajj leaders ang mga passport sa foreign applicants na halos lahat ay mula sa Indonesia at Malaysia sa halagang P25,000.
Pagkatapos ay iendoso ng NCMF ang passport applicants sa consular office ng DFA bilang Filipino Muslim pilgrims.
Dito na iniri-release ng NCMF ang mga passport sa mga kliyenteng pilgrim.
Batay na rin sa report, ang limitadong dami ng pilgrims na itinakda ng Saudi Ministry of Hajj ang dahilan kung bakit napipilitan ang mga dayuhan na dumalo sa taunang religious pilgrimage gamit ang Philippine passports.
Katunayan isang Indonesian na gamit ang Philippine hajj passport ang namatay sa Jeddah noong isang taon.
Magsisimula ngayong araw ang biyahe ng mga Philippine hajj passport holders hanggang unang linggo ng Setyembre.
Tahimik ang tanggapan ng NCMF sa akusasyon ng mga empleyado.
( HATAW News Team )