AYAW talaga tantanan ng gay issue itong alaga kong si Jed Madela.
Lately ay naging isyu na naman ang mga titulo ng kanyang gagawing concert. This coming August 19 kasi ay magaganap sa Music Museum ang Jed Madela Sings Celine-Iconic Concert Series niya na produce ng Dreamstar Events.
But before this ay nagkaroon muna siya ng Jed Madela Sings Mariah for two months sa parehong venue. Hanggang sa lumabas naman ang Life Songs with Charo Santos na isang commemorative album under Star Music na may duet sila ni Daren Espanto para sa kantang I’ll Be There.
Well, parehong kilala ang dalawa na mga biritero kaya naman umusbng ang isyu sa kanila lalo’t si Darren ay sinasabing younger version ni Jed.
Natatandaan ko lang, two years ago nang putaktihin din ng ganitong isyu ang aking alaga. The usual thing ayon pa kay Jed na natawa na lamang sa aming kuwento.
Actually hindi ko nakitang apektado or worried ang aking alaga sa isyu na pabalik-balik kung ibato sa kanya. Ang dami kong naririnig na kung ano-anong kuwento at espekulasyon about Jed’s real identity pero sa totoo lang, hindi rin ako worried.
Ganyan naman talaga sa industriyang ito. Kung sino ang sikat ay binabato ng kung ano-anong intriga at sanay na sanay na kami. Siguro, mis-interpreted lang talaga ang dalawa (Jed and Darren) especially Jed dahil nga sa genre ng kanilang style sa pagkanta. Kinakanta at matataas na boses na walang makapapantay.
Hay naku! Tigilan na ang tsimisang ganyan. Ang mahalaga ay nagbigay karangalan si Jed sa ating bansa at isa siya sa mga tinitingalang mang-aawit sa industriya.
Sabi nga ni Jed sa akin, what you see is what you get at nirerespeto niya ang opinyon ng bawat isa.
O ayan huh! Sana matahimik na kayo. Hahahaha! Sabihin niyo na naman na nagtataray si Jed! Kaloka!
REALITY BITES – Dominic Rea