Wednesday , March 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mag-utol na pusher utas sa parak

KAPWA namatay ang magkapatid na hinihinalang tulak ng droga makaraan makipagpalitan ng putok sa mga awtoridad sa drug buy-bust operation sa Ma-labon City kamakalawa ng gabi.

Agad binawian ng buhay ang magkapatid na sina Marwin Sta. Ana, 24, at Mark, 32, kapwa residente sa Sapa St., Brgy. Panghulo ng nasabing lungsod.

Sa ulat mula sa Station Investigation Division (SID) ng Malabon City Police, naganap ang insidente dakong 7:30 pm sa loob ng bahay ng mga suspek.

Sa isinagawang ope-rasyon ng pulisya, nakatunog ang mga suspek na pulis ang kanilang katransaksiyon kaya tumakbo patungo sa kanilang bahay.

Sinundan ng mga pulis ang mga suspek ngunit sinalubong sila ng putok.

Bunsod nito, gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng mga suspek.

( ROMMEL SALES )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Miro Quimbo Bojie Dy

Liderato ng Kamara pabor more power kay PBBM vs pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng suporta si Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III sa layunin …

Kamara, Congress, money

Ika-tatlo at ika-apat na impeachment complaint “sufficient in form”

ni Gerry Baldo IDINEKLARANG sufficient in form ng House Committee on Justice ang ikatlo at …

Israel Iran War

Sa Tel Aviv, Israel
OFW PATAY SA AIRSTRIKE

KINOMPIRMA ng Philippine Embassy sa Israel ang pagpanaw ng isang babaeng overseas Filipino worker (OFW) …

POLPHIL Ric Serrano Danilo Lim Elmer Argano

Provincial rate ibasura
Pantay na sahod para sa pantay na trabaho isabansa – POLPHIL

IPINAHAYAG ng People’s Progressive Humanist Liberal Party (POLPHIL) ang buo at walang pasubaling suporta sa …

yosi Shabu

2 durugistang bebot, 5 pang adik tiklo sa pot session

WINASAK ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang drug den na …