Thursday , December 26 2024

Bantang Martial Law ni Digong, di biro

KINUKUWESTIYON ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno ang basehan umano ni Digong kung bakit napasama ang pitong hukom sa listahang ibinulgar ng Chief Executive bilang drug lord coddlers. Aba’y huwag nang kuwestiyonin pa! Sus ginoo kayo! ‘Yan tuloy, nagbanta si Ka Digong na mapipilitan siyang magdeklara ng ‘Martial Law’ sa bansa kung haharangan ng Korte Suprema ang giyera kontra sa ilegal na droga ng gobyerno. OMG!

Actually, sa totoo lang mga ‘igan, hindi pag-aakusa ang ginagawang pagpapahayag ni Ka Digong sa mga pangalan ng mga taong sangkot sa illegal drugs. Una sa lahat, alam nating parte ito ng kanyang anti-illegal Campaign. Napakaganda ng kanyang layunin bilang presidente ng bansa, ang ipahayag at maipabatid sa samba-yanang Filipino ang mga tao o kung sino-sino ang mga sangkot sa usaping sindikato.

‘Yun tipong kasabwat o kakuntsaba…

Bagama’t mahirap din mga ‘igan ang pinasok na trabaho ni Digong, partikular ang kampanya laban sa illegal drugs, ipinangako niya sa taong bayan na kanyang tutuldukan, aba’y marami rin ang nagulantang! Mantakin n’yong sa takot sa hagupit ni Ka Digong, ang lahat ng salarin sa ilegal na droga’y nagsisukong parang mga asong ulol aw aw aw…he he he… ngunit iba ang ipinayo ni Madam Sereno sa mga hukom, huwag susuko sa pulisya kung wala naman silang ‘warrant of arrest.’  Sus, ano ba ‘yan!

Hey hey hey… paglilinaw lang po, ayon kay Ka Digong malinaw ang direktiba na hindi n’ya ipinahuhuli ang mga huwes! Aba’y mga ‘igan, pinagrereport lang po ang mga huwes sa Korte Suprema! Takot kayo? Hu hu hu…iikot umano ang wetpu ninyo kay Digong! He he he…dagdag ng ‘Mama’ patama kay Madam. Huwag nang li-likha ng constitutional crisis.

Sus mga ‘igan, tulad nga ng kanyang binitawang salita na talagang hinding-hindi n’yo mapapasunod ang ‘mama,’ bagkus uutusan niya umano ang lahat ng nasa ehekutibo na huwag ng susundin ang anumang ipag-uutos ng Kataas-taasang Hukuman!

Patay kang Bata ka! Ito na ang hudyat mga ‘igan ng pag-arangkada ng Martial Law.

Gusto ba natin ‘ito?

Gusto ng sambayanang Filipino ang tunay na pagbabago. Papalit-palit ang namumuno ng bansa,’ika nga, iba’t ibang administrasyon na may kanya-kanyang estilo sa pamumuno o ang tinatawag nating leadership style. Ngayon mga ‘igan, style ni Digong ay iba! Hayaan nating matupad n’ya ang ipinangakong tunay na pagbabago sa kanyang pamumuno, na ang lahat nang kanyang gagawin…sana’y naaayon din ang lahat sa batas at walang masasagasaang karapatang-pantao. Don’t forget that, “PNoy Administration should be held accountable for the growth of illegal drugs in the country, is it?”

KATAHIMIKAN NI MARCOS…

TULDOK NA

ANAK ng teteng mga ‘igan, simple lang naman ang ibig at ang naipangako ni Ka Digong sa taongbayan, noong kasagsagan pa ng kanyang pangangampanya, ang mailibing sa libingan ng mga bayani ang dating pangulo ng bansa, the late President Ferdinand Marcos. Aniya, “Because he was a President, period.” Sa kabilang banda, sa totoo lang, hindi naman sinasabi kung anong klaseng presidente ang dapat ilibing sa Libingan ng mga Bayani. Mabuti o masamang Presidente, ang regulasyon ay nagsasabing… “if you’re a President, you’re entitled to be bu-ried at the Libingan ng mga Bayani.”

So, sang-ayon umano sa batas ang naging desisyon ni Ka Digong, na mangyayari o’ magaganap na sa Setyembre, 2016. Ang isyung ito’y magiging hadlang sa tuloy-tuloy na pagbabago, kung hindi tutuldukan sa “Libingan ng mga Bayani.” Pero Ka Digong, kasangga mo ba itong si Cayetano o siyang maglulugmok sa iyo sa putikan?

E-mail Add: [email protected]

Mobile Number: 09055159740

BATO-BATO BALANI –  ni Johnny Balani

About Johnny Balani

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *