PINANGUNAHAN ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan ang isang biglaang drug test na ginanap sa kalagitnaan ng isang emergency meeting sa loob ng kanyang tanggapan, Martes ng hapon.
Ang drug test ay ginawa ng mga personnel ng Biomedics Medical Clinic bilang pagtugon at suporta sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang kampanya laban sa ilegal na droga.
Ang alkalde ang nanguna sa pagpapa-drug-test nitong nakaraang Martes kasunod ang mga miyembro ng konseho at ilang department head.
“Negative” naman ang naging resulta maging nang confirmatory blood test na isinagawa sa kanila.
“Ang iba pang mga department heads at ang lahat ng city employees ay sasailalim din sa ganitong drug test,” ayon sa mayor.
Samantala, ang magresulta ng “positive” ay agad isa-subject sa drug rehabilitation habang pagde-desisyonan ang maaaring ipataw na kaukulang parusa.
( JUN DAVID )