SIKAT na sikat pa rin hanggang ngayon ang isang male personality na involved sa isang video scandal kamakailan lang. Kasi inilalako ng isang pimp na taga-Malate na ang pangalan ay katunog ng isang soft drink, ang kanyang serbisyo bilang escort at alam na ninyo kung ano pa.
May mga mayayamang bading na nagsabing totoo ang tsismis, talagang siya ang dumadating sa appointed time, na usually daw ay madaling araw na, dahil takot din naman siyang mabuko.
Minsan iisipin mo, ganoon na nga ba kahirap ang buhay para pasukin niya iyon? Iginagalang pa naman ang pamilya niya kahit na paano.
( Ed de Leon )