PATAY ang isang 60-anyos lola makaraan masagasaan ng isang rumaragasang taxi habang tumatawid sa EDSA kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.
Ayon kay SPO2 Fernan Romero, ang biktimang hindi pa nakikilala ay isinugod ng Caloocan Rescue Team sa Caloocan City Medical Center ngunit nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas.
Batay sa ulat ni Romero, dakong 4:00 am nang maganap ang insidente sa panulukan ng EDSA at Gen. Malvar, ng nasabing lungsod.
Tumatawid ang biktima sa nasabing lugar nang masagasaan ng taxi (ATA-8551) na minamaneho ng suspek na si Bemboy Perquino, 26, ng Evangelista St., Nomar Subdivision, Novaliches, Quezon City.
( ROMMEL SALES )