Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wowowin, ‘di na natuloy sa Abu Dhabi

BAKIT kaya hindi natuloy ang planong dalhin ang Wowowin sa Abu Dhabi tulad ng announcement ni Willie Revillame noon?

Nakagugulat si Willie na araw-araw namimigay ng pera sa studio at tila hindi yata nauubusan ng pera.

May mga nagtatanong kung namimigay din kaya siya ng tulong sa mga kapwa artistang nangangailangan tulad nina Dick Israel at Evelyn Bontogon alyas Matutina.

***

PERSONAL:  Congratulations sa bagong mayor ng Baliuag, Bulacan na si Ferdie Estrella. Humahanga kami sa magandang ginagawa niya sa aming bayan. Wala na kasi ang mga dayuhang sidewalk vendors na nagtitinda sa gitna ng kalye sa Poblacion.

Nadadaanan na ito ng mga sasakyan at may traffic enforser na sa bawat kalyeng dinaraanan ng mga tao. Malinis na rin ang paligid at bawal na magkalat dahil may multa na.

Sana lang huwag mahigpit sa mga fish vendor at iba pang tindera dahil doon lang sila kumikita.

Sana rin ‘yung mga taal na taga-Baliuag ay ‘wag maagawan ng puwesto ng mga dayuhan, ayaw ito ni mayor Ferdie dahil may puso siyang taga-Baliuag.

***

HAPPY birthday Ms. Ethel Ramos (Aug 1) gayundin kina Aga Muhlach at Cesar Montano.

SHOWBIG – Vir Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …