NAPAPANSIN ng maraming followers ng Eat Bulaga na parang malaking kawalan si Paolo Ballesteros sa KalyeSerye dahil paulit-ulit na raw ang pag-uusap ng magkapatid na Wally Bayola at Jose Manalo.
Hindi katulad noon na kahit paano may nagsisingit ng sariling adlib si Paolo na para maging katawa-tawa ang kanilang eksena. Kumbaga sa ulam, kapag paulit-ulit na nakakasawa rin.
Teka, ano ba namang pagkakamali ang nagawa ni Paolo para parusahan ng napakatagal na suspension?
Balik KalyeSerye, sana medyo ibang drama naman ang gawin nila dahil nakakasawa na nga. Inulit na naman nila iyong kidnap ek na nagawa na nila before.
SHOWBIG – Vir Gonzales