PATAY ang isang 27-anyos ginang makaraan pagsasaksakin ng kanyang dating live-in partner habang nagtatalo sa Tondo, Maynila kamakalawa.
Ayon sa ulat ng pulisya, 13 beses sinaksak ng suspek na si Resie Sese, 30, ang dati niyang kinakasama na si Rizza Sanchez, 27, kapwa residente ng 226 H. Lopez, Balut, Tondo, Maynila.
Sa imbestigasyon ni SPO3 Milbert Balingan ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong 8:00 pm nang maganap ang insidente sa isang eskinita sa Dayao St., Balut, Tondo.
Isinugod ang biktima sa pagamutan ngunit hindi na umabot nang buhay habang mabilis na tumakas ang suspek makaraan ang insidente.
Hinala ng mga awtoridad, posibleng may kinalaman sa dati nilang relasyon ang insidente.
( LEONARD BASILIO )