“WALANG pagbabago,” sabi raw ng isang dating male bold star nang kumustahin siya ng isa niyang kaibigan.
Wala ngang pagbabago dahil jobless pa rin naman siya hanggang ngayon. Bale suportado lang siya ng kanyang “girlfriend” na isang Japayuki.
Kung gaano naman tatagal ang ganyang relasyon, aba eh nasa Japayuki na iyon. Paano kung hindi na rin siya masuportahan ng mga customer niyang Hapones? Mananatili pa rin kaya ang boyfriend niyang male bold star kung wala na rin siyang pang-suporta?
(Ed de Leon)